Damus
ScarletDoll profile picture
ScarletDoll
@ScarletDoll
🟪 SUPER BAGYONG ‘INDAY’, PUMASOK NA SA PAR, MGA LUGAR NA MAY WIND SIGNALS, MAS LUMAWAK PA ⚠️🌀

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 2
As of 5:00AM | July 8, 2026

Kaninang alas-kuwatro ng madaling araw ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Super Bagyong #Inday, at sa pagpasok nito ay mas dumami pa ang mga lugar na isinailalim sa wind signals. Taglay nito ang maximum sustained winds na 185 km/h, pagbugsong aabot sa 230 km/h, at kumikilos pakanluran sa bilis na 25 km/h.

🟡 TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1 ay nakataas na sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan, kabilang ang:
• Batanes
• Cagayan including Babuyan Islands
• The northern and central portions of Isabela (Santo Tomas, Aurora, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Roxas, Luna, Delfin Albano, City of Cauayan, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, San Manuel, Palanan, Cabatuan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo)
• Apayao
• The eastern portion of Kalinga (Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)
• The northern portion of Aurora (Dilasag)
• The northern and central portions of Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Baras, San Miguel)

📌 ANO ANG INAASAHAN?
• Hindi pa rin inaasahan ang direktang landfall sa Pilipinas, ngunit pinakamalapit ito sa Extreme Northern Luzon sa Biyernes (July 10) bago tumungo sa hilaga ng Taiwan.
• Mananatili itong Super Typhoon hanggang Huwebes, bago unti-unting humina bilang isang typhoon.

🌧️ PINALAKAS NA HABAGAT
Patuloy na palalakasin ng #IndayPH ang Habagat, na magdadala ng malawakang pag-ulan at malalakas na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

💨 MALALAKAS NA HANGIN
• July 8: Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, malaking bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
• July 9: Posible na sa halos buong bansa.

🌊 PAG-ALON SA DAGAT
Inaasahang maglalabas ang PAGASA ng Gale Warning sa Hilaga at Silangang baybayin ng Luzon at Visayas sa Miyerkules. Pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa mga apektadong karagatan.

📢 Patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather bulletins at advisories ng PAGASA.

PHILIPPINES WATCH
Source: DOST-PAGASA


31❤️1❤️41
did you know? · 6d
ingat po
Lenxhi · 6d
Ingat po 🥰
Vii · 6d
Oo nga mem napanuod ko sa blita salamat at may ulan narin Dito samin Masaya na Ang mga farmers .