Damus

Recent Notes

Pretty Chrishelle profile picture
POV: Nagpa-OGTT ka. πŸ˜‚

Akala ko simpleng laboratory test lang. Hindi ko in-expect na parang may mini challenge pala bago matapos.

Una, fasting pa lang, gutom na gutom ka na. Tapos pagdating sa clinic, iinom ka ng sobrang tamis na drink. Sa una okay pa eh, pero habang tumatagal parang sinasabi ng katawan mo, "Tama na, ayoko na ng matamis." 🀣

Tapos eto pa, hindi ka pwedeng basta-basta kumain. Hihintayin mo bawat blood extraction habang pinipilit mong huwag isipin yung pagkain. Yung oras, ang bagal gumalaw. Kahit simpleng pandesal o lugaw, biglang nagmumukhang five-star meal sa isip mo. πŸ˜‚

Habang naghihintay, mapapaisip ka rin kung gaano ka-importante alagaan ang health. Minsan hassle ang mga test, nakakapagod, at medyo stressful, pero mas okay nang maagapan at malaman ang kondisyon kaysa maghintay na lumala bago magpa-check.

Sa lahat ng katulad kong dumaan o dadaan pa lang sa OGTT, konting tiis lang.

Pagkatapos ng test, deserve na deserve mo na yung unang meal mo. Promise, ibang level ang saya ng unang subo pagkatapos ng ilang oras na paghihintay. πŸ˜‚

Health first lagi. Hindi man enjoyable ang proseso, malaking peace of mind naman ang kapalit. Have a great day! πŸ’™

❀️5
Chubs · 9w
Thank you po ☺️
Pretty Chrishelle profile picture
Ewan ko ba, pero every time may nagla-last day na close kong kawork, nalulungkot talaga ako. Hindi dahil ayaw kong umalis sila, pero kasi nasanay ka na sa presence nila araw-araw. Yung simpleng kwentuhan, biruan, at sabay magreklamo sa trabaho, biglang mawawala. πŸ˜‚

Alam ko naman part talaga ng buhay at work yung may dumarating at may umaalis. Nakakalungkot lang isipin na hindi na magiging pareho yung routine.

Good luck sa bagong journey mo! Deserve mo lahat ng magandang opportunities. Sana magkita-kita pa rin tayo kahit wala na sa iisang workplace. 🀍
3❀️10
Eybyoung · 9w
Contractual lang ba sa inyo sis? Nakakalungkot talaga yan lalo na pagka vibes mo yung aalis.
π‘»π’˜π’Šπ’π’Œπ’π’†π‘©π’†π’π’π’† · 9w
Ganun tlga wala tlga permanente ☺
Pretyjhen · 9w
Isang beses lang ako nakipg trabaho sa iba, naisip ko di ako nagggrow dun dahil madami sipsip samga nakasama ko din ako nagtraining tapos 1week palang visor na training ko🀣. dun sa naging trabaho ko mas madami sipsip kesa sa tutoo sayo kaya ako excited pa nung nag resignπŸ˜