Damus

Recent Notes

Cieannedg profile picture
We continue to pray for everyone's safety. Thank You, God, that the typhoon is weakening. May it completely lose its strength and bring no further danger. 🙏

❤️1❤️4🙏1
Cieannedg profile picture
Yey! Finally got my first 16km medal 🥰

Sobrang kunat ng route at uphill pero kinaya. At kakayanin pa sa mga susunod na run. C’mooooown!!!

#CCMLEG2 #ClarkCityMarathon

❤️3
Cieannedg profile picture
Buldak craving!! 🥰

Much needed break after a loooong tiring day. Thank you, Lord for the gift of life and work.
Good evening, guys. 🤍

❤️3
Cieannedg profile picture
Day 1 of Mid-Year Prayer and Fasting. 🤍🙏

I’ve been doing this for quite a few years now, pero every time na dumarating ang season na ito, excited pa rin ako. Excited to know God more deeply, to hear His voice more clearly, and to experience His presence in a fresh way.

Hindi man perfect ang journey, pero bawat taon pinapakita ng Diyos na mas marami pa Siyang gustong ituro, baguhin, at iparanas sa buhay ko. And honestly, one encounter with Him can change everything.

This season, I’m choosing to set aside distractions and seek Him first—not because I have all the answers, but because I know the One who does.

If there’s anything on your heart right now—a prayer request, a burden, a dream, or even something you're believing God for—feel free to share it with me. I’d love to pray for you too.

How can I pray for you? 🤍

❤️4
Cieannedg profile picture
Been craving for Miryinda’s Kare-Kare here in La Union for the longest time. Madalas ko lang siyang nakikita sa mga posts, pero ngayon finally, natikman ko na rin! 🤎

Paano? Dahil sa mga tips na shine-share niyo sakin dito. Magde-deliver lang sana ng mga paninda, pero God is so good dahil na-bless pa tayong ma-try ito along the way.

Thank you, guys! Salamat sa lahat ng tips at sa pag-share ng blessings niyo. Sobrang appreciated. 🙏

God bless us all! ✨

❤️6
Cieannedg profile picture
Kung ano-ano na rin ang naibenta ko, at kahit kailan hindi ako mahihiyang mag-alok hangga't wala akong tinatapakang ibang tao at lumalaban ako nang patas sa buhay. Hindi nakakahiya ang magbenta at maghanap ng paraan para kumita nang marangal. Basta honest ang trabaho at malinis ang intensyon, tuloy lang. One day, lahat ng pagod at puyat will be worth it. 🤍✨

Homemade Pastillas done! 🤎 Puyat nanaman 🤗

❤️5
Cieannedg profile picture
Peace over matter. 🤍

Let go, let God.
Hindi mo kailangang buhatin lahat ng bigat mag-isa.

May Diyos na mas nakakaalam ng tamang timing para sa lahat. ✨

4❤️7
jorpab · 15w
🙏🙏
wickedsoul · 15w
Amen! The photo is so pretty!
Cieannedg profile picture
God’s faithfulness never fails. 🤍

Hindi man araw-araw puno ng customers ang negosyo namin, patuloy naming pinipiling isuko ito sa Panginoon. Naniniwala kami na ang negosyong ito ay galing sa Kanya, kaya Siya rin ang magdadala ng mga taong nakalaan para sa amin.

Sa bawat araw na may pag-aalala, pinapaalala Niya sa amin na hindi namin kailangang mangamba, dahil Siya ang aming Provider. At sa bawat pagkakataon na tila kulang, lagi Niyang pinapatunayan na sapat ang Kanyang biyaya.

Hanggang ngayon, hindi Niya kami pinabayaan at ni minsan ay hindi Niya kami binigo. All glory belongs to God. 🙏✨

“And my God will meet all your needs according to the riches of His glory in Christ Jesus.” — Philippians 4:19 🤍

❤️2